Bagamat going strong pa rin ang five-year relationship nila ng kanyang girlfriend, sinabi ni Chris Tiu na puwede pa rin siyang makipagkaibigan sa ibang mga babae na humahanga sa kanya. Pahayag ng basketball player-TV host, “Mga humahanga? Paghanga na lang? Uhm, puwede namang maging kaibigan. Alam mo naman tayo, we have a wide network of friends and everybody is a friend.”

Photo: Arniel C. Serato

Wala na raw mahihiling pa si Chris Tiu pagdating sa kanyang basketball career dahil patuloy na gumaganda ang laban ng kanyang koponang Rain or Shine (Elasto Painters).

Kahit na natalo raw sila noong huling conference, hopeful naman siya na maganda ang ipapakita ng kanilang team sa mga susunod na games.

Sa usaping lovelife, inamin ni Chris na sobrang in love pa rin sila ng kanyang non-showbiz girlfriend of almost a decade now—si Clarisse Ong.

Kaya dun sa mga girls na umiidolo sa kanya, ang puwede na lang daw niyang maibigay ay pakikipagkaibigan.

Ani Chris, “Mga humahanga? Paghanga na lang? Uhm, puwede namang maging kaibigan.

“Alam mo naman tayo, we have a wide network of friends and everybody is a friend.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest si Chris sa launching ng kanyang bagong endorsement na Swatch last February 26, sa Raffles Hotel Makati.

Bukod sa basketball, busy rin si Chris sa dalawa niyang TV shows sa GMA-7 (Ibilib at Watta Job) at ang basketball tutorial niya sa AKTV Sports.

Sabi niya, “Sa AKTV, meron akong segment dun na tutorial.

“Nagtuturo ako dun ng basics ng basketball sa iba’t ibang mga schools, sa iba’t ibang mga barangay.

“Iniikot namin at dun ako nagtuturo.”

Gusto raw niya ang ganitong klaseng format dahil gusto niyang maging inspiration sa mga kabataang nangangarap ding makapasok sa PBA o sa kahit anumang national basketball league.



NO TO ACTING, YES TO BUSINESS. Marami na raw ang nag-alok kay Chris para umarte, pero hindi raw niya talaga kaya ito.

Aniya, “Umarte? Hindi na siguro, okay na akong mag-basketball at mag-host na lang. O kaya mag-endorse ng product sana at business.”

Kahit bata pa, namulat na si Chris sa pagnenegosyo katulad ng kanyang mga magulang.

Sa ngayon, matagumpay ang kanyang milk tea business na binuksan last year katuwang ng ilang kaibigan.