Inamin ni Gwendoline Ruais na mas gusto niya ang mga may dugong banyaga pagdating sa lalaking mamahalin. Paliwanag ng Filipino-French beauty queen, "Siyempre, because you have the same culture, half-Pinoy, half-European, pareho din, so which is why the twins [Semerad] and I get along great.”

Photo: Noel Orsal

May balitang may relasyon ang beauty queen na si Gwendolyn Ruais at ang model-basketball player na si David Semerad.

Kaya sa hosting stint ni Gwendoline sa relaunch ng Equal low-calorie sweetener sa Luxent Hotel ballroom kahapon, March 5, tungkol dito ang isa sa itinanong namin sa kanya.

“We’re just ano, hanging out. I hang out with both of them,” sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang “them” na tinutukoy ni Gwendoline ay si David at ang kakambal nitong si Anthony Semerad.

Kanino siya mas close sa kambal?

“I’m closer to David. We hang out and we’re good.

"Like what I said, we’re a big family and we all hang out together.”

"Big family" sila dahil ang tatlo ay talents ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Sabi pa ni Gwendoline, “So that’s how we got close, because we work together.”

Nanliligaw ba si David sa kanya?

Tumawa muna si Gwendoline bago sinabing, “We’re going out... we’re going out.”

May mutual understanding na ba sila?

“Ano ‘yan? Hindi ko alam ang ibig sabihin ng M.U.!” sabay tawa niya.



“HOHOL.” Sinabi namin sa kanya na ang uso ngayo sa mga celebrities ay hanging out-hanging out lang o "HOHOL"

“Ah... hanging out lang kami, HOHOL!” at tumawa muli ang 2011 Miss World First Princess.

So, hindi pa sila mag-on ni David?