After almost a year of silence, Krista Kleiner talks about the reason why her relationship with Jay-R ended. The former beauty queen says: “The relationship was getting a little bit abusive.”

Photo: Jerome Ascano

Aksidenteng napaamin ang actress-beauty queen na si Krista Kleiner sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng R&B Prince na si Jay-R.

Noong Pebrero 25 kasi ay naging guest si Krista sa radio show ni Mo Twister na Good Times With Mo Twister the Podcast.

Ito ay para i-promote ang kanyang album na Feel So Good, at upang tulungan na rin si Mo na magbigay ng mga love advice sa callers.

Habang nagbibigay ng advice si Krista sa isang caller tungkol sa breakup, hindi naiwasan nitong mabanggit ang ex-boyfriend na si Jay-R.

Sinabi ni Krista na alam niya kung gaano kahirap ang mag-move on matapos ang isang matagal na relasyon.

“So we had… oh, I never said why we broke up. But…” tila natigilan pang sagot ng former beauty queen nang tanungin ni Mo kung bakit nga ba sila naghiwalay noon.

Matatandaan na Marso noong nakaraang taon ay inamin nina Krista at Jay-R na tinapos na nila ang kanilang three-year relationship.

Gayunman, nang tanungin noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, sagot ni Krista: “Well, yun nga po, we’d like to keep it to ourselves definitely. And like I’ve said, it’s very fresh and we’re working things out right now at the moment.”

(CLICK HERE for related article.)

Pero sa interview sa kanya ni Mo, ito ang sinabi ni Krista na dahilan ng breakup nila ni Jay-R: “The relationship was getting a little bit abusive."

Ikinagulat ni Mo ang sagot na ito ni Krista, at sinigurong tama ang kanyang narinig.

“Oh, physical, huh?” tanong ni Mo.

“Yeah…between that and verbal,” sagot naman ng dating Bb. Pilipinas-International titleholder.

Biniro naman siya ni Mo, na sa kabila ng pagiging martial artist niya’y nagawa siyang saktan ng dating nobyo.

Napangiti lamang si Krista at saka sumagot ng: “So, I think it’s on how someone is raised.