Dahil sa strong features ng mukha ng ina ni Heart Evangelista na si Mrs. Cecile Ongpauco ay madalas itong mapagkamalang mataray o suplada. Pero pagtatanggol ni Mrs. Ongpauco sa sarili: “I can’t change my face, you know, if I appear too strong. I try not to put on make-up on so my face is kinda soft... I’m not really naman the way people perceive me to be. I’m nice naman, di ba?”

Photo: Nimfa Chua

Mananatili pa ring Kapuso si Heart Evangelista matapos niyang pumirma muli ng two-year contract sa GMA-7 kahapon, March 5.

Kasama ni Heart sa contract signing ang kanyang ina at talent manager na si Cecile Ongpauco.

Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press kay Heart kung hindi ba siya nahirapan na kumbinsihin ang ina na i-renew ang kanyang kontrata sa GMA-7.

Nakangiting sagot ng aktres, “Hindi. Ako yung nasusunod na ngayon, e. She listens to me now.”

Maya-maya ay naibaling na ang atensiyon sa ina ni Heart dahil tila nabigla ito sa mga naging pahayag ng anak.

Nang hihingin na ng press ang reaksyon ni Mrs. Ongpauco ay si Heart na mismo ang nag-volunteer na tanungin ang ina.

Tanong ni Heart: “So what can you say that people are saying that because you’re a ‘Mommy-ger,’ and sometimes, as a mom, how do you separate work and being a mom?

“How do you separate that? Kasi sometimes nami-misinterpret nila na medyo may pagkamataray ka or something, so now, it’s good to explain yourself.”

Hindi man inaasahan ang mga pangyayari ay napilit din ang ina ni Heart na magsalita.

Sagot nito, “How do I separate? I don’t. I just make it work the best way I can—being a mother and a manager.”

HEART AND HER MOM. Sa interview matapos ang general presscon ay mas ipinaliwanag ni Heart ang naging pahayag niya.

Sa lagay ng relasyon nila ng kanyang ina, pagbabahagi ni Heart, “We’re very good, actually.

“Kasi she... I guess she trusts me more.

"Siyempre, ilang taon na ako. I just turned twenty-eight so we’re so much better, communication is better now.