“Basta sa July may presscon tayo... a mayroon akong concert sa August,” says Ogie Alcasid about his rumored transfer to other TV network. The singer-songwriter’s contract with GMA-7 will expire in June.

Photo: Nerisa Almo

Masaya ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na si Ogie Alcasid sa positibong pagtanggap ng mga Pilipino ngayon sa mga lokal na awitin.

Kamakailan lamang ay isa si Ogie sa mga naging hurado ng katatapos lamang na songwriting competition na Himig Handog.

(CLICK HERE to read related article.)

Dito raw ay nakita niya ang muling mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa original Pinoy music.

“Nakakatuwa kasi ngayon ang gaganda ng mga kanta. Ang mga hits ngayon sa radyo ay puro OPM,” nakangiting sabi ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa pocket press conference na inihanda para sa repeat ng Foursome concert nila ng asawa niyang si Regine Velasquez, at nina Martin Nievera at Pops Fernandez kanina, March 6.

Sabi pa niya, “I was so happy talaga na tweet ako nang tweet.

“Gusto ko kasi i-express yung feeling ko na I’m so happy talaga na nakakarinig ako ng mga bagong kanta sung by young people at tinitilian ng mga tao.

“Kumbaga, nararamdaman ko yung pagbabalik ng OPM.

“Nagna-number one ngayon yung mga kanta ni Abra. Si Gloc-9 patuloy ang benta. Yung ‘Pusong Bato’ memoryado ko na.

“Kumbaga, yung bawat genre ay may kanya-kanyang following, which is I dreamed about, yung pagbalik ng OPM.

“I can imagine itong coming five or six years umaangat na ang OPM.

"I believe na parang gulong ‘yan na tuluy-tuloy.”

FOURSOME REPEAT. Tulad ng mga bagong lokal na awitin, natutuwa rin si Ogie na marami ang tumangkilik sa Valentine concert nila na Foursome.

Sa mga nakaraang taon kasi, madalas ay foreign acts ang nagiging patok na concert tuwing Valentine’s Day.