Kung sakaling i-offer sa kanya ang slot ng mga tinanggal na kaibigan sa Wowowillie ay hindi raw ito tatanggihan ni John Lapus. Sabi ni Sweet, “I would love, too. I would love, too! Hindi naman siya katapat ng show ko sa Dos, so okey lang. Alam mo naman ako, I don’t wanna burn bridges. Puwede ako sa ABS CBN, GMA-7."

Photo: Noel Orsal

Isa si John “Sweet” Lapus sa mga kaibigan nina Ethel Booba at Ate Gay, kaya hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pahayag tungkol sa pagkakatanggal ng dalawa sa Wowowillie.

Naging malaking isyu ang paraan ng pagkakaalis ng dalawang comedians sa show dahil on-air ay pinagalitan sila ng main host na si Willie Revillame dahil sa nangyari sa backstage ng show noong March 1.

(CLICK HERE to read related story.)

“Actually, nito ko lang nalaman,” simula ni Sweet nang makausap namin siya sa set ng Talentadong Pinoy kahapon, March 5, sa Broadway Centrum.

Patuloy niya, “Siyempre, nalulungkot naman ako.

“Ang alam ko, love ni Kuya Will si Ethel.

“At si Ethel naman ay tingin ko ay she looked up to Kuya Will as her older brother.

“Ang feeling ko talaga ay parang too close for comfort.

“Parang feeling ko, kaswal lang kay Ethel dahil kaibigan nga niya tapos nakalimutan niya na boss pa rin niya ito.”

Ano naman ang masasabi niya sa ugali ni Willie na napakaprangka na kahit on-air ay diretsahan kung magbitaw ng salita?

Sagot ni Sweet, “Lalaki naman kasi siya, e.

“Siya yung tipong kung ano ang nararamdaman ay talagang sinasabi niya.

“I hope na lumipas ito agad and they patch things up."

Sabi pa ni Sweet, “Nakakatuwa talaga si Ethel… yung segment nila na napanood ko, silang dalawa talaga ni Ate Gay ang nakakatawa.

“Sana maayos.”