Ito ang naging pahayag ni Dingdong Dante sa sinabi ni Governor ER Ejercito tungkol sa kredibilidad ng mga hurado ng Star Awards at MMFF: "If he has question, I think he has to address it straight to them. At least, honest siya, yun lang naman yun. Siguro po, kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, hindi rin ako matutuwa totally. But if there are issues like that, I’m pretty sure he knows kung sino ang mga dapat kausapin about it. So, then again, that’s his opinion, let just respect it.”

Photo: Noel Orsal

Ngayong araw, March 7, ang huling taping day ng primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali. Sa March 15 naman ipalalabas ang huling episode nito.

Pero nagkaroon muna ng pocket farewell presscon ang cast members ng Pahiram Ng Sandali noong Martes ng gabi, March 5, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang male lead ng teleserye na si Dingdong Dantes.

Ano ang maiiwang “memories” sa kanya ng Pahiram Ng Sandali ngayong malapit na itong magtapos?

“Ang memory ko, powerhouse cast. Super-duper powerhouse,” sagot ni Dingdong.

Sa lahat ng naging teleserye niya, ang Pahiram Ng Sandali ang pinaka-powerhouse ang cast?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi, nagkataon din na naging equal ang pagtatrabaho ko sa mga superstars na nakatrabaho ko. 

“Kumbaga, nabiyayaan ako ng enough time na makatrabaho si Bro. Bo [Christopher de Leon], si Tita Sandy [Andolong] na palagi kong mommy… super-tagal naming magkasama.

“Of course, Ms. LT [Lorna Tolentino] at ngayon, si Mr. Mark Gil. 

“Ang daming interaksiyon… kami nila Julio [Diaz].”

Speaking of Julio, sa pagkakaalam ni Dingdong ay bababalik ang karakter ng veteran actor bilang stepfather niya ngayong magtatapos na sila. Matatandaang naospital si Julio dahil nabalian ng buto.



THE NEXT DRAMA SERIES. Sa pagkakaalam ni Dingdong ay may panibago na siyang teleserye na gagawin sa Kapuso network, ngunit wala pa raw siyang ideya kung ano ito.

Pero kung siya ang masusunod, anong klaseng teleserye ba ang gusto niyang gawin?

“Hindi ko pa talaga masabi.

“Nangyayari kasi na kung ano ang gusto kong gawin, yun ang hindi ginagawa. 

“So, hindi na lang ako magsasabi ngayon!” natatawang sabi niya.