Isang Dodge Challenger na nagkakahalaga ng P3 million ang regalo ni Daniel Padilla para sa sarili sa kanyang ika-18 kaarawan. Sabi niya, “Masarap yung feeling… siyempre na pinagpaguran mo, pinagpuyatan mo, pinagpawisan mo. Naospital ako dahil dito, alam mo yun? Parang gift ko naman sa sarili ko, sa hardwork ko na pagtatrabaho.”

Photo: Courtesy of Mylene de Leon

Sa April 26 ay ipagdiriwang na ng teen heartthrob ng ABS-CBN na si Daniel Padilla ang kanyang 18th birthday.

Pero kahit mahigit isang buwan pa bago ang kanyang kaarawan, niregaluhan na niya ang kanyang sarili ng isang sports utility vehicle (SUV)—isang itim na Dodge Challenger na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso.

Sa panayam ni Daniel para sa Bandila kagabi, March 6, sinabi nitong masaya siyang may nabili na siya mula sa kanyang pinagpaguran.

Saad niya, “Masarap yung feeling… siyempre na pinagpaguran mo, pinagpuyatan mo, pinagpawisan mo.

“Naospital ako dahil dito, alam mo yun?

“Parang gift ko naman sa sarili ko, sa hardwork ko na pagtatrabaho.”



HELLO, BIG DOME. Isa ring magandang balita para sa mga tagahanga ni Daniel ang nalalapit niyang post-birthday concert sa April 30 na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

Kahit kinakabahan, ipinangako ni Daniel na gagawin niya ang lahat para mapasaya ang mga fans sa naturang big event sa buhay niya.

Aniya,Kinakabahan, kasi hindi naman talaga ako singer, e. Tapos magko-concert pa.

“Hindi, pero ano… gagawin ko lahat para maging successful ‘tong show… “tong concert na to.”

 

“Old school rock” daw ang napiling tema ni Daniel sa kanyang nalalapit na konsiyerto, kung saan imbitado ang kanyang mga kaibigan at co-stars sa Princess And I na sina Khalil Ramos at Enrique Gil.

Gusto rin daw ni Daniel na may special participation ang ka-MU (mutual understanding) niyang si Kathryn Bernardo.

Kinikilig pang pahayag ni Daniel, “Gusto niya sana maging guest lang, gusto niya kasi ma-feel yung… alam mo yung manonood lang.

“Pero siyempre, sabi ko, ‘Ikaw si Kathryn, e, kailangan mo akong parating kasama."