“I may hv limited knowledge of d politically correct language of the LGBT community but in God's name, I hv PROFOUND LOVE & RESPECT for gays,” Christine Bersola-Babao posted this on her Twitter account earlier to apologize for her “Being Gay” column yesterday, March 11, on Philippine Star.

Photo: Noel Orsal

Humingi ng paumanhin ang TV personality na si Christine Bersola-Babao para sa kolum niya kahapon, March 11, sa Philippine STAR na may titulong “Being Gay.”

Sa kanyang Twitter account kaninang hapon, March 12, ito ang pakiusap ni Christine (@ChristineBBabao): “Do NOT shoot the messenger.”

Sa nasabing kolum, sinubukang sagutin ng Good Morning Club host ang tanong na ito: “What should a parent do if the child shows early signs of being gay?”

Sa tulong ng isa sa mga Trio Tagapayo ng programang Face to Face, ang family counselor and psychologist na si Dr. Camille Garcia, sinubukang sagutin ng TV5 host ang madalas na tanong tungkol sa paksa.

Sa ikalawang katanungan na “Should parents be alarmed and arrest the situation? Or encourage it?” sinagot ito ni Dr. Garcia ng: “Arrest the situation, yun ang tama.

“But most parents encourage the situation. Tatanggapin agad.

“Let’s be moral in making the child understand the situation, di ba yun ang dapat? We tell our child, ‘Anak, mali ito.’”

Kung si Christine naman mismo ang tatanungin tungkol dito, ito ang isinulat niya sa kanyang kolum:

“Now, if you ask me what if my son grows up to be gay? I will not encourage it.

“But will I accept? A mother will always accept her child.

“A mom may not agree with all of her child’s choices or preferences, but in the end, being a kind human being is more important than what your gender is.”

Nabanggit din ng asawa ng Bandila news anchor na si Julius Babao kung paano nila ipinaliliwanag sa kanilang three-year-old na anak na lalaki ang pagkakaiba ng mga kasarian.

Isang halimbawang ibinigay ni Christine ay ang kaibahan ng mga laruang panglalaki at pangbabae

 “As a mom who has a three-year-old son named Nio, my personal take on the matter is this: Nio, when curious, plays with his big sister’s toys.

“But we always point it out to him that those are toys for girls, and these are toys for boys.