May mga gustong pasalamatan si Ara Mina sa pagbabati nila ng kapatid niyang si Cristine Reyes.
“Siguro ano, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga nag-pray na magkaayos kami, and huwag nila sana isipin na…
“Honestly ayoko dapat magpa-interview muna kasi nga parang ina-absorb ko pa yung pangyayari.
“Parang alam mo yung…parang hindi pa nagsi-sink in. Parang hindi pa ako makapaniwala kasi unexpected.
“So, siyempre yung iba, hindi mo maiiwasan, ‘Hmmm…gimik lang ‘yan ng magkapatid!’
“Hello! Hindi kaya biro yung magsampa ka ng demanda sa kapatid mo!
“It means grabe yung nangyari talaga and sana maging ano na lang, maging example na lang kami sa magkakapatid diyan na mga nag-aaway, na igalang at respetuhin nila yung mga nakakatanda sa kanila. Iyon!
“At saka kailangan ano, e, may communication.
“Actually, simula nung ano, magka-text kami halos every day.
“Sabi ko nga, minsan yung mga nangyayari dito sa mundo, may reason, e.
“Baka mas lalo kaming maging close after what happened. Puwedeng ganun, e.
“Kasi ang nangyari naman talaga sa amin, kahit supportive ako sa kanya, hindi naman kami talagang sobrang close, na nakakapag-usap, na nakakapag-open up sa isa’t isa.
“Kasi 14 years old pa lang ako, na-busy na ako, e,
“So, siya, wala ako dun para subaybayan din siya kahit na nag- aaral siya.
“Kumbaga hindi ko rin nagampanan yung pagiging ate ko because I’m working,” ang mahabang pahayag muna ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit namin sa Teen Gen ng GMA kahapon, April 4 sa Carron Dreampark sa Nueva Ecija.
LESSON LEARNED. Ano ang natutunan ni Ara sa lahat ng mga nangyari?
“Best lesson? Hmmm… siguro ano, lalo na sa mga katulad ko na yung maaga pa lang nagtatrabaho na, minsan kasi hindi naman puro material things o nakabigay ka lang ng pera okey na.
“Siguro i-see to it nila na once in a while, kakamustahin mo yung mahal mo sa buhay. I mean, ‘Okey ka ba, wala ka bang problema?’
“Yung ganun. So, para ano, hindi maipon yung kung anuman yung…mamaya may sama na pala siya ng loob sa iyo, hindi mo alam.
“Kasi nate-take for granted mo ba o yung ganun. Dahil sa pagka-busy.
“And ‘ayun siguro iyon, communication, important kahit saang relationship, sa family, sa relationship, ayun, so…
“Nag-ano nga kami na sabi niya, try naming at least every weekend magkita-kita.
“Para mas ano, yung intact pa rin yung family,” lahad pa ni Ara.
ON MARRIAGE AND BABY. Napadako naman ang usapan namin sa bali-balitang ikakasal na si Ara at ang boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
“Hindi pa, hindi pa!’ natatawang pahayag ni Ara.
“Siguro ina-allign muna ni Lord ang mga buhay-buhay ko.
“Sabi ko before, basta kailangan magka-baby na ako before ako tumuntong ng 35.”
Thirty-three years old na siya ngayon.
“Two years na lang. So…kasi medyo natatakot din ako. Baka mamaya mahirapan akong mag-baby, di ba?”
Paano kung wala pa siyang asawa by the time na maging 35 na siya?
Papayag ba siyang magkaanak kahit hindi pa siya kasal?
“Oo, okey lang. Basta sure ako na siya yung mapapangasawa ko.
“Kasi yung iba naman nagbe-baby muna, e, kahit hindi pa kasal. Kasi nag-iipon pa yung iba, di ba?
“Like yung sister, ko kinasal lang muna sila sa huwes ‘tapos may dalawa na silang anak, ‘tapos last year lang sila kinasal sa church.”
CAMPAIGNING. Tinanong naman ng PEP si Ara kung mangangampanya siya para kay Mayor Patrick para sa nalalapit na eleksyon.
“You know what, nag-a-ask ako sa kanya, pero ano… Good thing sa kanya, hindi niya ako iniistorbo.
“Kasi sabi niya, ‘I’m okay, don’t worry about me. Kaya naman ng ano.’
“And kasi may kina-campaign din ako--dalawang brothers ko si Chris Mathay sa San Juan na councilor ng District 2, ‘tapos si Macky Mathay sa Distirct 5 for councilor ng QC. ‘Tapos yung dad ko, congressman sa District 2 ng QC.
“So, tatlo yun. ‘Tapos yung tito ko, si Tito Bu Mathay sa District 4 naman. So, apat sa pamilya ko,” mahabang paliwanag ni Ara.
Si Ara mismo, ayaw na ba niya talagang tumakbo sa pulitika?
“Hindi naman. Kaya lang ano, e… Parang feeling ko kasi pag tumakbo ako hindi na ako makakapag-asawa. Mag-asawa muna ako,” ang tumatawang sinabi ni Ara.
Pero may plano pa ba siya na maging public servant balang-araw?
“Hindi ko sinasarado yung door ko. Kaya lang kasi siyempre alam mo naman ako, pag may ginawa ako, focused na ako dun, e.
“Baka mamaya hindi ko na maano yung…baka, ‘Oh my God, 35 na ako, wala pa akong baby, wala pa akong asawa!’
“Di ba? So, okey na rin yung mga kapatid ko muna.”
DIFFERENCE THEN AND NOW. Noong teenager si Ara ay naging mainstay siya ng teen show na That’s Entertainment; ngayon ay isang ina ang papel niya sa GMA-7 youth-oriented show na Teen Gen.
Ano ang pagkakaiba nilang mga teen stars noon at mga teen stars ngayon?
“Ah, malalaking bulas!” ang tumatawang bulalas ni Ara.
“Katulad nung anak ko, nagpakilala siya sa akin, sabi ko, ‘Ha, ikaw ba ang anak ko?”
Ang male newcomer na si Juancho Triviño as Lucho ang gumaganap na anak ni Ara sa Teen Gen.
Sa working attitude naman ng teen stars sa show, walang masabi si Ara kundi papuri.
“Okey naman, very confident sila. Hindi sila, unlike us na mahihiyain pa kami, sila parang ano, ano sila…kayang-kaya na nilang humarap sa screen.
“Iba yung confidence nila sa sarili nila.”
Biniro namin si Ara na sa itsura, papasa rin sila ni Juancho na magka-loveteam.
Tulad nila ni Rocco Nacino noon na gumanap din bilang anak niya sa Yesterday’s Bride.
“E, iyon yata ang uso ngayon, pabata ng pabata ang mga mommies, di ba,” ang tumatawang pagtatapos ni Ara sa aming panayam.
