PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina on dropping libel case against sister Cristine Reyes: "Kasi pinatawad mo na yung tao, ang pangit naman na may kaso pa rin."

Ara says she and Cristine are closer now: “Almost every day kami magka-text, tapos alam ko na ang schedule niya.”
by Gorgy Rula
Published Apr 26, 2013
Masaya si Ara Mina (nasa larawan) sa nangyayari ngayon sa kanila ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes. At kasabay nito ay ang pagbawi ni Ara sa libel case na isinampa niya laban kay Cristine. Sabi ni Ara tungkol dito, “Alam ko, maraming masasabi ang tao, na I’m sure sasabihin nila padema-demanda pa ako pero patatawarin ko rin pala. E, natural yun, magkapatid kami, pero wala kasi sila sa situation ko para mag-judge sila kung ba’t nagawa yung pagdemanda. K

Sa gitna ng pinagpipiyestahang gulo ng pamilya Baretto, masaya naman at bumabawi ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes pagkatapos nilang magkabati noong Biyernes Santo.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa selebrasyon ng 50th anniversary ni German Moreno na ginanap sa Resorts World noong Miyerkules, April 24.

Masaya niyang ikinuwento na madalas na ang pagkikita nila ni Cristine ngayon at tuluy-tuloy na ang bonding nilang magkakapatid.



DROPPING THE CASE. Bagamat hindi pa niya naayos sa kanyang abugado, pero hindi na raw itutuloy ni Ara ang kasong libel na isinampa niya laban kay Cristine.

Aniya, “Mag-uusap pa lang kami ni Attorney [Enrique dela Cruz], pero definitely… kung napatawad ko na siya, dapat wala na yung kaso.

“Kasi pinatawad mo na yung tao, ang pangit naman na may kaso pa rin. Ano naman yung silbi ng kaso, di ba?

“Di ba, yun naman ang sinasabi ko before? I’m just waiting for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binabalak daw nilang magkapatid na magsalita para linawin at ilahad ang lahat kaugnay sa kanilang pagbabati, pero hindi pa raw muna sa ngayon dahil mas mabuting gugulin muna nila ang kanilang oras sa isa’t isa.

Sabi ni Ara, “Siyempre kababati lang namin, baka ma-stress lang kami pareho sa mga comment ng media.

“Alam ko, maraming masasabi ang tao, na I’m sure sasabihin nila padema-demanda pa ako pero patatawarin ko rin pala.

“E, natural yun, magkapatid kami, pero wala kasi sila sa situation ko para mag-judge sila kung ba’t nagawa yung pagdemanda.

“Kasi, hindi naman ako yung taong palaaway na makipaglaban ako ng salita. I’d rather idaan ko na lang sa legal.”



CHANGES IN CRISTINE. Sa madalas na pagkikita nila at patuloy na komunikasyon, nakikita na raw ni Ara ang sinseridad ni Cristine at ang laki na raw nang ipinagbago nito.

Pahayag pa ni Ara, “I told her na may trauma ako, pero magri-risk ako na ma-overcome ko yung fear ko, yung trauma ko, kasi dun sa nangyari... dahil sobrang lalim, e, nung sugat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero dahil sa nakitaan ko ng sincerity, ita-try ko talaga na kalimutan kasi nakikita ko yung effort niya, kasi talagang nagku-cope up siya sa akin.”

Patuloy pang kuwento ng aktres, “Every day kami magka-text, parang ngayon ko lang naramdaman na…

“Kasi before, magkapatid kami, magkasama kami, parang hindi ganun ka-close, e.

“Pero ngayon, ‘Okay, Ate, I love you.’ Yung very open na nakakapag-'I love you' sa akin—which was before, hindi naman talaga.

“Ramdam ko yung na-realize niya talaga, yung pangyayari na iba pa rin ang pamilya.”



SORRY TO PATRICK. Pati rin daw sa kasintahan ni Ara na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan ay humingi na ng patawad si Cristine dahil nadamay rin ito sa gulo nila noon.

Lahad ni Ara, “Actually, nag-sorry din siya kay Pat, and umiyak siya.

“Nakikita kong happy siya para sa amin, and thankful siya kay Pat na hindi ako iniwanan.

“Di ba, isang taon din yung gap namin? Marami ring nangyari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung puwede nga niyang iwanan ako na ang gulo ng pamilya namin, pero napaka-understanding niya.

“And very thankful talaga ako sa kanya,” papuri ni Ara sa kasintahan.

Napag-usapan na rin daw ng magkapatid na may mga taong sumusulsol kay Cristine kaya lalo pang lumaki ang gulo. Pero napatawad na raw niya ito.

“Hindi na rin ako magpapakaipokrita na sa napag-usapan namin, na may mga tao ring involved na naninira sa amin.

“Kumbaga, sinisiraan ako sa kapatid ko.

“Si Lord na ang bahala sa kanila. Basta ako, happy ako sa buhay ko, happy ako sa lovelife ko, at sa family ko, and happy din ako sa career ko,” nakangiting sabi ni Ara.



LESSONS LEARNED. Sabi pa ni Ara, hindi lang si Cristine ang natuto sa pangyayaring ito, kundi pati na rin daw siya.

Napagtanto raw niyang hindi lang dapat trabaho ang lahat para sa pamilya, kundi dapat ay maglaan din ng oras para sa kanyang mga magulang at mga kapatid, na hindi raw nila nagagawa noon ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ara, “Nung lumalaki kasi si Aa [palayaw ni Cristine], yun yung time na bising-busy ako, e.

“Nung nag-usap kami, parang feeling ko, nagampanan ko yung pagiging ate ko, pero kulang pa rin pala.

“Hinanap niya yun."

Patuloy niya, “Siguro lesson na maa-advice ko lang sa mga ateng katulad ko na nagtatrabaho, minsan hindi naman sapat yung puro suporta lang, dapat kukumustahin mo once in a while ang mga kapatid mo, kung may problema, ganyan, para hindi mailang sa ‘yo ang kapatid mo.

“Mas close kami ngayon compared before, kasi kahit magkapatid kami, parang may wall.

“Pero ngayon, as in talaga open kami sa isa’t isa.

“Almost every day kami magka-text, tapos alam ko na ang schedule niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Ara Mina (nasa larawan) sa nangyayari ngayon sa kanila ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes. At kasabay nito ay ang pagbawi ni Ara sa libel case na isinampa niya laban kay Cristine. Sabi ni Ara tungkol dito, “Alam ko, maraming masasabi ang tao, na I’m sure sasabihin nila padema-demanda pa ako pero patatawarin ko rin pala. E, natural yun, magkapatid kami, pero wala kasi sila sa situation ko para mag-judge sila kung ba’t nagawa yung pagdemanda. K
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results