PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NBI denies Cedric Lee and Zimmer Raz's claim that they voluntarily surrendered

Cedric Lee wants to be detained at the NBI headquarters.
by Jojo Gabinete
Published Apr 27, 2014
Sinabi nina Cedric Lee (nasa larawan) at Zimmer Raz Jr. na kusa ang pagsuko nila sa NBI agents at hindi sila nagtatago. Nagpunta raw sila sa bayan ng Dolores, Eastern Samar para magpahinga dahil may inaasikaso silang proyekto sa nabanggit na lugar. Nag-swimming umano sila ni Raz sa isang isla at napakalapit sa kampo ng PNP ang bahay na tinirhan nila. Ngunit sa official statement NBI, inaresto nila sina Cedric at Raz, taliwas sa pahayag ni Cedric na tinawagan nito sa telepono ang isang N

Kapwa nakaposas ngunit magkaiba lang ang kulay ng Burberry shirts na suot ng businessman na si Cedric Lee at ang kaibigan nitong si Simeon “Zimmer” Raz Jr. nang bumalik sila ngayong umaga, April 27, sa Maynila.

Nadakip sila kahapon, April 26, sa Oras, Eastern Samar ng National Bureau of Investigation (NBI) agents at operatives ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Sina Cedric at Raz ay dalawa sa mga akusado sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro noong January 22, 2014 sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig.

May warrant of arrest sila para sa kasong serious illegal detention, isang non-bailable offense.

Mula sa Oras, Eastern Samar, dinala sina Cedric at Raz ng NBI agents sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City para sa 6:40 a.m. trip ng PAL flight PR 2982.

Ididiretso ang dalawang akusado sa NBI headquarters.

Sa panayam kahapon ng ABS-CBN kina Cedric at Raz, sinabi ng dalawa na kusa ang pagsuko nila sa NBI agents at hindi sila nagtatago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpunta raw sila sa bayan ng Dolores, Eastern Samar para magpahinga dahil may inaasikaso silang proyekto sa nabanggit na lugar.

Nag-swimming umano sila ni Raz sa isang isla at napakalapit sa kampo ng PNP ang bahay na tinirhan nila.

Ngunit sa official statement NBI, inaresto nila sina Cedric at Raz, taliwas sa pahayag ni Cedric na tinawagan nito sa telepono ang isang NBI agent para sa pagsuko nila ni Raz.

Sa report ni Maan Macapagal ng ABS-CBN News kina Julius Babao at Nina Corpuz ng dzMM, Biyernes ng umaga nang masukol sina Cedric at Raz sa bahay na tinutuluyan nila sa Dolores.

Sa pag-aakalang mga miyembro ng New People’s Army ang sumalakay, dahil civilian clothes ang suot, tumalon sa bakod, tumakas, at tumakbo sa niyugan ang dalawa.

Ipinakita pa ni Cedric ang mga sugat sa kamay dahil sa matitinik na halaman na nadaanan nila ni Raz

Binanggit ni Macapagal na in high spirits at tatawa-tawa pa si Cedric nang magkausap sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw natatakot ang negosyante at haharapin niya ang kaso, pero igigiit nila ng kanyang abugado na i-detain siya sa NBI headquarters.

Nang punahin ni Macapagal ang pangangayayat ni Cedric, sumagot ito na diet at exercise ang mga sikreto ng kanyang pagpayat.

Ayon naman sa broadcast journalist na si Tony Calvento, natukoy ng NBI agents ang kinaroroonan ng dalawang akusado dahil sa signal ng dalawang cell phone na ginagamit ni Cedric.

Sa kuwento ni Calvento, ang pick-up vehicle ni Raz ang sinakyan nila ni Cedric sa pagpunta sa Bicol at may escort silang local policeman.

Nawalan ng contact ang mga tumutugis sa dalawang akusado sa tuwing pinapatay o mahina ang signal ng telepono ni Cedric.

Noong Holy Monday, April 14, umakyat ang dalawa sa bundok ngunit bumaba rin nang malaman nila ang presence ng NPA doon.

Nagdesisyon ang dalawa na pumunta sa mga kamag-anak ni Raz na naninirahan sa Brgy. Solsogon at Dolores, Eastern Samar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Cedric Lee, Vhong Navarro
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinabi nina Cedric Lee (nasa larawan) at Zimmer Raz Jr. na kusa ang pagsuko nila sa NBI agents at hindi sila nagtatago. Nagpunta raw sila sa bayan ng Dolores, Eastern Samar para magpahinga dahil may inaasikaso silang proyekto sa nabanggit na lugar. Nag-swimming umano sila ni Raz sa isang isla at napakalapit sa kampo ng PNP ang bahay na tinirhan nila. Ngunit sa official statement NBI, inaresto nila sina Cedric at Raz, taliwas sa pahayag ni Cedric na tinawagan nito sa telepono ang isang N
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results