PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnell Ignacio clarifies 'proposal' to BF Ken El Psalmer: â??Kaya ko binigyan ng singsing, officially tayo na, para wala nang umagaw.â??

Arnell Ignacio on relationship with boyfriend Ken El Psalmer: “Hindi na ito puppy-puppy love [lang].”
by James Patrick Anarcon Steph Sison Interview: Arniel C. Serato
Published Jun 6, 2015
Arnell Ignacio says he and boyfriend Ken El Psalmer do not have plans of settling down yet. "Hindi pa, darating din yun. Kasi medyo nakakalito yun, e, kasi may official [papers] yun. Ini-establish ko yung sa... kami. And mamahalin ko siya araw-araw.”

Nag-propose ang comedian at talent manager na si Arnell Ignacio, 52, sa kanyang boyfriend na singer na si Ken El Psalmer, 28.

Naganap ang proposal noong Miyerkules, June 3, sa Manila Diamond Hotel.

Ayon sa report ni Jojo Gabinete sa Abante Online ngayong araw, June 6, nag-propose si Arnell kay Ken para maging fiancé nito.

Naiyak daw si Ken matapos siyang sabihan ng mga matatamis na salita ni Arnell, na nag-buckle naman habang nagsasalita dahil sa nerbiyos.

Sabi ni Arnell kay Ken: “I have seen the rainbow for so many times...

"But I only realized that rainbows have colors when I met you.

"I immeasurably love you, Ken Psalmer!"

Sinubukan daw ni Arnell na lumuhod sa harapan ni Ken para isuot ang singsing sa daliri nito, subalit pinigilan daw siya ng boyfriend.

Nagyakapan na lang ang dalawa at hinalikan sa labi ang isa’t isa.

Ang nasabing eksena ay nasaksihan ng staff and crew ng hotel at ng kanilang mga kaibigan, na kinilig naman sa nakita nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, nag-post si Arnell sa kanyang Facebook account ng madamdaming mensahe para kay Ken.

Sabi niya: “At this age when it is most noble to share your life's chronicles to your fascinated 'audience,'

"A twist of fate puts you in the middle of going through it all again... as if unfinished remnants of unlearned lessons need to be reviewed.

“And as fear sets in you suddenly discover you are in love.. Once more...

“And hopefully and beautifully on the last station of your heart...

“Ah no worries this time... Life is beautiful.

“Thank you Ken El Psalmer for welcoming me to your life.”

Si Ken ay isang up-and-coming singer na tubong-Pampanga na mina-manage ngayon ni Arnell.

Siya ang front act sa thanksgiving concert ni Ai-Ai delas Alas noong May 16.

IT WILL COME. Sa report naman ng Startalk ngayong hapon, noong April 19 daw opisyal maging sina Arnell at Ken.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Ken, naging mabilis ang mga pangyayari para sa kanila.

“Sino ba namang 'di magugulat sa mga pangyayaring ito, sobrang bilis?”

Natatawa namang pagkontra ni Arnell, "Maya’t maya sinasabi niyang mabilis, hindi naman!

“Ganun ako, e, kung ang emosyon ko ganun, e, 'tsaka isip ko ganun, e.

“Hindi na ito puppy-puppy love [lang].”

Nang tanungin naman ng Startalk kung may plano silang magpakasal ni Ken, ito ang naging sagot ni Arnell: “Hindi pa, darating din yun.

“Kasi medyo nakakalito yun, e, kasi may official [papers] yun.

“Ini-establish ko yung sa... kami. And mamahalin ko siya araw-araw.”

Dagdag naman ni Ken, “Basta ang importante sa ‘kin, masaya ka sa tao, mahal mo siya.

“So, hindi mo kailangan ng papers o kung ano pa man diyan.

“Basta kayo, masaya kayo, it will follow, e, in everything you do.”

 

FAMILY'S REACTION. Ano naman ang naging reaksiyon ng anak ni Arnell na si Sofia tungkol sa kanilang relasyon ni Ken?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng komedyante, “Yung anak ko, nineteen years old na.

“Kasi siyempre mahal ako ng anak ko, siyempre meron siyang mga reservations.

“And then, eventually, sabi niya, ‘Papa, I love you regardless of your decisions. And I love you, I like Ken.’”

Ayon naman kay Ken, hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang ama ang tungkol sa mga pangyayari.

“Yung papa ko, hindi namin napag uusapan.

“Ano naman sila sa ‘kin, e, siyempre matanda na ‘ko.

“Kahit ano naman gawin ko, sinasabi lang nila, ‘Mag-ingat ka.’”

Tinanong din sila ng Startalk kung ano ang mensahe nila sa mga taong hindi sang-ayon sa kanilang relasyon.

Sagot ni Arnell, “Huwag na silang magtapon ng energy para pumuna na kung ano sa tingin nila kung ano ang mali.

“Meron kayong nakikitang mga taong masaya, alamin niyo kung bakit.

“And ako, I’m more than willing to share my joy.

“Sabi ko nga, I have so much joy in my heart and I have to share it to all the bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I have more to share sa mga susunod na batch ng bashers! I’m just so happy.”

NOT A MARRIAGE PROPOSAL. Sa exclusive interview naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnell, sa pamamagitan ng telepono, nilinaw nitong hindi wedding proposal ang ginawa niya kung hindi para lang maging “official” na ang lahat sa kanila ni Ken.

Saad niya, “Nung kailan lang [naging] kami.

“Ano lang naman 'yon [proposal], kasi naging kami, kaya ko binigyan ng singsing.

“Kumbaga, officially, tayo na para wala nang umagaw.

"Hindi, hindi marriage [proposal]... kami lang."

Matatandaang nasabi noon ni Arnell sa isang panayam na bagamat hindi siya against sa same-sex marriage, mas maganda kung para na lamang ito sa babae at lalaki, base sa kanyang naging karanasan noon.

Read: Arnell Ignacio discourages same-sex marriage

Ikinasal si Arnell noong 2004 sa isang babae, si Frannie, subalit matapos ang ilang taon ay naghiwalay rin sila.

Diin niya sa panayam ng PEP ngayong araw, “Hindi naman nga kami magpapakasal, hindi ko naman sinabing magpapakasal kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala naman ako sinabing magpapakasal kami.

“Ano 'yan, [dahil] naging kami.”

Ano ang masasabi ni Arnell sa akusasyong gimik lamang ang ginawa niyang proposal?

Natatawang sagot niya, “E, di sabihin nila, wala akong pakialam!

“Ano ba gigimik ko, wala naman akong show?”

Ito ang video ang proposal ni Arnell kay Ken:

Read Next
Read More Stories About
Arnell Ignacio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio says he and boyfriend Ken El Psalmer do not have plans of settling down yet. "Hindi pa, darating din yun. Kasi medyo nakakalito yun, e, kasi may official [papers] yun. Ini-establish ko yung sa... kami. And mamahalin ko siya araw-araw.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results