PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano Responds to Couple Comparison

Luis: "Ikaw nga post ng post ng pic mo e di naman namin hinihingi.”
by Arniel C. Serato
Published Jan 12, 2023
Luis Manzano burns basher anew
Luis Manzano answers netizens asking why he and wife Jessy Mendiola choose to hide the face of Baby Isabella Rose: "ito naman kung maka comment ka akala mo ikaw magpapadede sa bata”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tila gigil pa rin ang ibang netizens dahil sa desisyon ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na hindi muna ipakita sa publiko ang mukha ng kanilang anak na si Isabella Rose.

Pero sa Instagram, may mga feeling entitled na netizens na hindi maintindihan ang kagustuhang ito nina Luis at Jessy.

Sa lumang post ni Luis tungkol sa kanyang panganay na Isabella Rose, may ilang netizens na nagde-demand na ipakita na raw ang hitsura ng baby nila ni Jessy.

View this post on Instagram

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Ayon sa isa, sana hindi na lang nag-post si Luis kung puro mukha lang naman nito ang nakikita.

Buong komento ng netizen (published as is), “Dapat nag sulo picture ka nlng kuya luckymanzano kasi ganun din ikaw lng din nakita hohoho [crying emojis]”

Biro naman ang tugon ng actor-TV host dito: “si santa claus ka ba”

Luis Manzano's reply to bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reklamo ng isa pang netizen, bakit ayaw ipakita agad ang mukha ng bata. Hindi naman daw nanakawin ang kanilang anak.

Ikinumpara pa sina Luis at Jessy sa celebrity couple ding sina Drew Arellano at Iya Villania, na "walang arte" sa pagre-reveal ng mukha ng kanilang baby.

Ayon sa netizen, “bakit ganon..ayaw nila reveal agad anak nila..nanakawin ba? [laughing emojis] di katulad ng mag asawang drew at iya.reveal agad walang arte...”

Luis Manzano's reply to bashers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Unang sagot ni Luis, “ito naman kung maka comment ka akala mo ikaw magpapadede sa bata”

Hirit pa niya, “ikaw nga post ng post ng pic mo e di naman namin hinihingi”

Luis Manzano's reply to bashers

Nananatili pa sa Instagram thread ni Luis ang komento ng nasabing netizens.

Kahapon, January 11, 2023, binuweltahan din ni Luis ang isang basher na tumawag sa kanyang anak na “pisot” dahil ayaw nilang ipakita ang mukha nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby

Isinilang ni Jessy ang unang supling nila ni Luis noong December 29, 2022.

Pero nitong January 7, 2023 lamang nila ipinaalam sa publiko na sila ay ganap nang mga magulang.

Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano answers netizens asking why he and wife Jessy Mendiola choose to hide the face of Baby Isabella Rose: "ito naman kung maka comment ka akala mo ikaw magpapadede sa bata”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results