May dapat ipagbunyi ang mga residente ng Macabebe, Pampanga dahil kahit sinalanta ng baha ang kanilang bayan, naghatid naman ng karangalan sa Pilipinas ang kanilang kababayan na si John Eriq Bonifacio.
Si John, 27, ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa 4th Mister Cosmopolitan na ginanap noong Sabado, Setyembre 12, 2026, sa Nha Trang, Vietnam. Napanalunan din ni John ang mga special award na Best Catwalk at Best Physique.

"Maraming-maraming salamat nga po pala sa Filipino fans na sumusuporta sa akin. We did it guys! Mabuhay Philippines! Para sa inyo ito. Mahal ko kayong lahat!” ang mensahe ng pasasalamat ni John sa lahat ng mga Pilipino na sinuportahan siya at ipinagdasal ang kanyang tagumpay.

First runner-up sa 4th Mister Cosmopolitan si Nkosikhona Roro ng South Africa, second runner-up si ng Tong Sanchai Manimon ng Thailand, si Enes Cetinkaya ng Turkiye ang third runner-up at fourth runner-up si Fran Caceres ng Spain.

Read: Glaiza de Castro announces she’s pregnant
KENNETH MARCELINO
Noong nakaraang taon, Setyembre 7, 2025, si Kenneth Marcelino ng Pilipinas ang first runner-up sa 3rd Mister Cosmopolitan na idinaos sa Bangkok, Thailand kaya marami ang natuwa dahil tuluyan nang napanalunan ni John ang karangalan na naging mailap sa mga Pilipino.
Si Jonas Gaffud ang CEO ng Empire.ph, at ang kanyang organisasyon na Mister Pilipinas Worldwide ang pumili at nagpadala kay John bilang opisyal na kalahok sa 4th Mister Cosmopolitan.
Personal na sinuportahan ni Jonas ang laban ni John sa Vietnam at sa kanyang mensahe ng pagbati, sinabi niya, "Finally, a win in Vietnam! Congratulations John Bonifacio for winning the Mister Cosmopolitan 2026. Your hard work and dedication paid off! Congratulations Philippines!"

Read: Kenneth Marcelino wins 1st runner up at Mister Cosmopolitan 2025