GORGY RULA
Lalong na-excite ang mga taga-The Clash, na nasa Season 5 na, sa susunod na episode sa darating na Linggo, February 5, 2023. Okay kasi ang rating nila nang magsimula ito nung January 22.
Naka-12.4% ang pilot episode nito, at nung nakaraang Linggo, January 29, ay nakapagtala ito ng 12.9%.
Masaya silang lahat dahil sa maganda rin ang feedback sa singing competition show ng GMA-7.
Anim na ang napiling pasok sa Top 15 finalists, at sa darating na Linggo ay abangan daw kung ilan ang pipiliin, hanggang sa mabuo silang labinlima.
Ang isa sa bilib na bilib ang mga taga-The Clash ay ang kanilang host na si Julie Anne San Jose.
Sa gitna kasi ng napaka-busy niyang schedule, hindi siya nakikitaan ng pagkapagod at walang karekla-reklamo sa taping.
Patuloy siyang nagti-taping sa Maria Clara at Ibarra, pero naayos niya ang schedule na hindi magku-conflict sa The Clash at All-Out Sundays.
Pati sa All-Out Sundays ay puring-puri rin siya. Kahit meron siyang rehearsals, hindi ito nami-miss ni Julie Anne.
Wala ka raw naririnig na reklamo sa kanya na napapagod na siya. Lahat daw na pinapagawa sa kanya ay sinusunod niya. Kaya gustung-gusto at mahal na mahal siya ng production staff.
Ibang-iba raw si Julie Anne sa ilang artista na isa lang naman ang conflict na show, ang dami pang reklamo at parang sobrang napagod sa paglagare sa isang show.
May naririnig kaming ilang artistang nagrereklamo sa pamamalakad sa isang show kung saan nandun din si Julie Anne. Kaya itinuturo nila ang Limitless Star na kahit ang daming ginagawa, wala ka raw naririnig na reklamo sa kanya.
Kaya ang wish ng mga nakakatrabaho ni Julie Anne, sana tuluy-tuloy pa ang pamamayagpag ng career, dahil wala silang problema pag nasa taping na ito.
Sisimulan na rin ni Julie Anne ang pelikulang The Cheating Game kasama ang boyfriend niyang si Rayver Cruz, at alam daw nilang kaya niyang i-manage ang schedule na hindi nagku-conflict sa iba pa niyang shows.
JERRY OLEA
Sa Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra, sino ba kina Julie Anne at Barbie Forteza ang mas umaani ng parangal?
Sa previous The Clash winners na sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at Mariane Osabel… kaninong career path kaya ang kahit paano’y susundan ng winner sa 5th season ng paligsahan?
NOEL FERRER
They are not the Best Talent Show for TV for nothing, di ba, PMPC?
Looking forward to a really good edition of The Clash!
Nami-miss ko na ring makachikahan ang jury nito na nagbabalik na kapatid kong Lani Misalucha, ang may bago ring pelikula na si Ai Ai delas Alas, at ang nag-20th anniversary na si Christian Bautista.
All the best!!!
