PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dustin Yu settles the real score with Bianca de Vera

Parang upcoming film ba niya? Almost us na sila?
by PEP Troika
Published Apr 12, 2026
Dustin Yu has cameo role in Almost Us
Ano nga ba ang real score sa pagitan nina Dustin Yu at Bianca de Vera? Almost us ba o sila na? Ilan ito sa mga tanong na sinagot ng aktor sa mediacon ng kanyang upcoming movie.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

May special participation si Dustin Yu sa pelikulang Almost Us, kung saan bida sina JM Ibarra at Fyang Smith at direktor Dan Villegas.

"Sobrang suwerte ko na naging part ako ng launching movie ng JMFyang,” sabi ni Dustin sa mediacon na naganap kanina, Abril 12, 2026, Linggo ng hapon, sa Valencia Events Place, Quezon City.

“Ang character ko po dito, si Kenzo. Isa po akong artist, isa po akong singer. Hindi naman po malayo sa totoong buhay.

“Ako po yung parang sinulatan ng AU [Alternate Universe] fiction ni Fyang.

"And masasabi ko sa character ko, ah, siguro hindi siya malayo sa totoong artista, sa isang artista.

“May mga struggles din na na-experience, so makikita natin dito na si Kenzo ay totoong tao din pala.”

Sabi ni Direk Dan, si Dustin ang perfect Kenzo. Ito rin ang sinabi ng Regal producer na si Roselle Monteverde.

Kaya kahit may ongoing project ang aktor ay ginawan talaga ng paraan at inayos ang kanyang schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“During that time, nasa taping pa ako [ng The Secrets of Hotel 88], so iniisip ko kung paano.

“Pero noong nalaman ko nga na talagang kino-consider ako ng Regal, sabi ko, paano? Naghahati kasi yung ano ko. Nasa Puerto Galera ako. Paano?

“Uuwi ba ako o paano kaya?"

DUSTIN YU EXCITED ABOUT WORKING wITH JFYANG AGAIN

Pero na-excite daw siyang makatrabaho ulit ang JFyang love team.

Almost Us stars JM Ibarra and Fyang Smith
Almost Us stars JM Ibarra and Fyang Smith
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pagpapatuloy ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab housemate: "E, sobrang excited ako dahil nakakasama ko sila sa Shake, Rattle & Roll. Nagkukulitan kami doon.

“Kasi parang naka-build kami ng kahit na papaanong small connection or samahan.

"Tapos parang ako din, kinonsider ko rin.

“Kasi itong dalawang ito, sa totoo lang, totoong tao sila. So para sa akin, hindi ako mahihirapan makipagtrabaho kasi factor din iyon, e.

“I mean, papasok ako sa gitna ng taping nila. So iniisip ko rin kung paano kaya? Hindi pa kami nagwo-workshop, e, di ba?

"So, iniisip ko. Hindi. Ah, game na. Kasi sigurado naman ako na maayos ito…medyo mahirap lang yung schedule, ayun.

“Tapos yun nga, si Direk Dan Villegas ang magdidirek. So ayun, na-excite ako. Sobra!”

Nasa cast din ng Almost Us sina Yukii Takahashi, Sam Samarita, JM Salvado, Baus Rufo, Che Ramos, at Lotlot Bustamante.

Joint venture ito ng Regal Entertainment at Project 8 Projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan nationwide umpisa Mayo 6.

Read:

Dr. Manny Calayan recalls "illicit affair" that ended his marriage

HOW MUCH? Coachella experience for Filipinos

NOEL FERRER

Nilinaw ni Dustin Yu na iyong Kenzo character niya ay hindi third wheel sa story ng Almost Us.

“Dito kasi, parang AU fiction ako. I mean, character ako talaga. Clear naman from the start na hindi ako part ng relationship or what,” sabi ni Dustin.

“Mapapanood niyo yun, for sure.”

Dustin Yu as Kenzo in Almost Us
Dustin Yu as Kenzo in the movie Almost Us
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Metro Manila Film Festival 2025 official entry na Love You So Bad, sa paniniwala niya ay hindi siya third wheel kina Bianca de Vera at Will Ashley dahil sa kanilang tatlo uminog ang kuwento.

Speaking of Bianca, “almost us” pa rin ba sila or “done” na?

Malumanay na tugon ni Dustin: “Ang masasabi ko lang, na makaka-relate silang dalawa dito. Makaka-relate yung movie, maraming makaka-relate sa movie.”

Spotted sila ni Bianca na nagbakasyon sa Taiwan.

Almost us pa rin ba or what?

“May 6, Almost Us,” tanging sagot ni Dustin.

Read:

JM Ibarra "impressive" ang acting; Fyang Smith, ikinumpara kay Maricel Soriano

Yukii Takahashi says she and Marco Gumabao are just "friends"

GORGY RULA

DUSTIN YU ON REAL SCORE WITH BIANCA DE VERA

Matapos ang open forum, inurirat pa ng showbiz journalists si Dustin Yu tungkol kay Bianca de Vera.

Kuwento ni Dustin: “Paglabas ko ng Bahay ni Kuya, una kong nakatrabaho talaga is si Bianca. I remember music video pa iyon. Una ko talaga siyang nakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos from that, tuluy-tuloy na. Na parang sunud-sunod yung mga projects namin together.

"Sa work, lagi kaming magkasama. Lock-in, magkasama kami."

Paano off-cam?

"Tapos siyempre outside work, yung relationship, friendship namin kumbaga, magkasama pa rin.”

Sa shooting ng Almost Us, naaalala raw ni Dustin si Bianca kapag nakakaeksena niya si Fyang Smith.

“Iba, e. I mean… masarap katrabaho si Bianca. So far, siya yung pinakamasayang katrabaho ko,” ang nakangiting sabi ni Dustin.

Ano ba ang real score nila ni Bianca?

“Ang masasabi ko lang, sobrang okay kami. Yung relationship namin na nabuo namin, tuluy-tuloy,” pagtatapat ni Dustin.

“At nandito pa rin ako. Hindi iyon mawawala, para sa kanya.”

Kumusta siya, at gaano siya ka-happy these days?

“Super happy.”

May label na ba ang relationship nila ni Bianca?

“Andoon pa ako sa process na talagang pinapatunayan ko pa iyong sarili ko sa kanya,” pahayag ni Dustin.

“Araw-araw. Hindi ako hihinto hangga’t dumating sa panahon na you know, getting there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano nga ba ang real score sa pagitan nina Dustin Yu at Bianca de Vera? Almost us ba o sila na? Ilan ito sa mga tanong na sinagot ng aktor sa mediacon ng kanyang upcoming movie.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results