PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Urian 2026 Sidelights: candid interviews, photo ops, and tears

Mayroong emotional, mayroong proud, marami ang excited. Sinu-sino?
by PEP Troika
Published 5 hours ago
Maris Racal and Jericho Rosales win top acting honors at Urian Awards 2025
Maris Racal and Jericho Rosales win top acting honors at Urian Awards 2025
PHOTO/S: Maris Racal on Facebook; Jericho Rosales Official on Facebook

JERRY OLEA

Tabla bilang best actress sa 49th Gawad Urian ang 29-anyos na si Maris Racal (Sunshine), at ang 80-anyos na si Odette Khan (Bar Boys: After School) alias Miss O.

Maliban kina Maris at Odette, namataan namin sa 49th Gawad Urian sina Ruby Ruiz (Tigkiliwi), Krystel Go (I’mPerfect), at Rissey Reyes-Robinson (Paglilitis).

Nagpa-picture si Rissey sa dalawang National Artists na sina Ricky Lee at Nicanor Tiongson habang hawak ang kanyang certificate of nomination.

Nagpa-picture din si Krystel at ang leading man niyang si Earl Jonathan Amaba (I’mPerfect), na best actor nominee, sa dalawang National Artists.

Nakunan namin sila ng photo with best supporting actress nominee Eula Valdez (Paglilitis).

Eula Valdes with ImPerfect stars Krystel Go and Earl Jonathan Amaba at Urian Awards 2025
Paglilitis actress Eula Valdes with ImPerfect stars Krystel Go and Earl Jonathan Amaba at Urian Awards 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalitratuhan namin si Ruby kasama ang seven-year-old co-star niya sa Tigkiliwi, si JP Larroder, ang pinakabatang best actor nominee sa kasaysayan ng Urian.

Ruby Ruiz and co-star JP Larroder at Urian Awards 2025
Ruby Ruiz and co-star JP Larroder at Urian Awards 2025
Photo/s: Jerry Olea

Hindi namin alam kung dumalo sa 49th Gawad Urian si Geraldine Villamil na best actress nominee para sa Republika ng Pipolipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Nour Hooshmand, na nominadong best actress para sa Cinemartyrs, ay out of the country.

Nasa South Korea si Nour para sa 31st Busan International Film Festival (October 6-15, 2026), kung saan ang dalawa ang pelikula niya, Ria at Filipiñana.

Maliban kina Jericho Rosales, JP Larroder, at Earl Jonathan Amaba, namataan namin sa Gawad Urian sina Jomari Angeles at Miguel Odron, na parehong nominadong best actor for Some Nights I Feel Like Walking.

Waley si Carlo Aquino (Bar Boys: After School), pero present ang wife niyang si Charlie Dizon na tumanggap ng kanyang best actor trophy.

Ilan lang ito sa mga eksenang nasaksihan ng PEP Troika noong Oktubre 8, 2026, sa Teresa Yuchengco Auditorium sa De La Salle University (DLSU) - Manila.

Read: Has Sarah Lahbati hard-launched her rumored new boyfriend?

GORGY RULA

Ang daming dinaanan at binati ni Jericho Rosales bago siya nakaakyat ng stage para tanggapin ang kanyang best actor trophy para sa Quezon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbaba ni Jericho ay meron pa rin siyang binati na kitang-kita ang sobrang kasiyahan nung gabing yun.

Malapit siya sa kinauupuan ng bida ng I’mPerfect na sina Krystel Go at Earl Amaba. Pagbalik niya ng upuan ay kaagad na tumayo ang dalawa para batiin si Echo.

Mahigpit na niyakap sila ng Urian Best Actor.

Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila.

Pagkatapos ng awarding ay hinarang na namin si Echo para tanungin kung bakit naging emotional siya nung binabasa pa lang ni National Artist Nic Tiongson kung bakit siya ang ginawaran ng naturang parangal.

Jericho Rosales emotional as he accepts Best Actor Urian trophy
Jericho Rosales emotional as he accepts his Best Actor trophy from Urian
Photo/s: Jericho Rosales Official on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERICHO ROSALES on the right track

Sobrang saya raw niya lalo na’t Urian ito. Ipinaliwanag niya kung bakit siya naiyak.

Ani Jericho: “This just maybe… dumating siya sa tamang panahon after lahat ng mga challenges namin.

"Sa Quezon, and then personal challenges, and then… it’s just the validation that you know, I’m on the right track.

“And it felt so, siyempre, divine, parang ganun. So, I was just being open and honest and so… yeah!

“You know, I’m really proud of this. And I’m proud of myself. Hahaha!”

Inurirat na rin namin kung anong challenges yung pinagdaanan nila.

“Artistic challenges na mga ganyan, siyempre, di ba? You know life na medyo… buhay ng isang artist na masaya siya, pero hindi siya free of ano yung kumbaga..hindi siya yung walang challenges, meron.

“And oh my god! It’s an Urian. I mean, come on! Maging emotional ka talaga dito. This is great!” bulalas niya.

Nabanggit ang artistic challenge, kinumusta na rin namin ang biopic ng National Artist na si Ishmael Bernal.

“Hindi pa final ano. We’ll see,” pakli ni Echo.

“Nandiyan si Jerrold [Tarog], Sir Ricky [Lee], and everyone. But right now, I’m wishing the entire production all the best.

“I am rooting for them, and, of course, you know, it’s an important story to tell, and it’s an exciting film to watch out for.”

Read: REVIEW: Bongga Ka, Day! is a colorful return to the disco era

MARIS RACAL EMOTIONAL AND EXCITED

Kahit ang best actress na si Maris Racal ay naging emotional rin nung binabasa ang citation bago tinawag ang kanyang pangalan.

Binanggit niya sa kanyang acceptance speech na inilusyon niya talaga ang makatanggap ng Urian award.

“Opo! Ginagamit ko pa nun ang bottled water na kunwari trophy. Ngayon pa lang, happy na ako na may Urian ako. This is a dream come true,” natatawang kuwento ni Maris nang nakatsikahan din namin pagkatapos ng awarding.

Sabi pa ni Maris, ganun pa rin daw ang pag-handle niya sa trabaho.

“I still feel the same. Gutom pa rin na aktres na handang matuto kaya yun!” pakli niya.

May tinatapos daw siyang teleserye, at may mga pelikulang naka-line up sa mga proyekto niya.

“Excited lang sa mga upcoming na gagawin ko. Ngayon, may tinatapos muna akong serye. Balik-series muna ako. Next year, I’ll be doing a lot of films.

“So it’s very exciting,” pakli ni Maris.

JERRY OLEA

EJ JALLORINA'S NOMINATION

Lotlot si EJ Jallorina bilang best actress for Dreamboi sa Inaugural CineSilip filmfest noong Oktubre 2025.

Pero pasok siya sa banga ng walong nominadong best actress sa 49th Gawad Urian.

EJ Jallorina at Urian
EJ Jallorina
Photo/s: Jerry Olea

Ano ang naramdaman niya nang mapabalitang nominado siya?

“Super surprised po and honored,” sabi ni EJ nang makausap namin bago ang awards ceremony.

“Kasi, isa ang Urian sa mga pinakamataas na karangalan na puwedeng ma-achieve ng isang aktor.

“And for ilang years ka sa industriya, I feel na parang achieved! Hahahaha!”

Proud ang transwomen kay EJ. Itinaas niya ang kanilang bandera!

“Opo, and ito pong nomination is not just about me. Actually, lahat naman po ng ginagawa ko, especially kapag natutuwa and nase-share ko sa mga katulad ko sa community, so yun po,” mabining pagngiti ni EJ.

After the movie Dreamboi and the vertical series NOMAS sa KayaFlix streaming platform, ano ang susunod na aabangan natin sa kanya?

“Parang sabi ko po last time, currently po, yung Season 4 ng Drag Race Philippines. I’m the nail artist of Mama Pao [Ballesteros],” tugon ni EJ.

“And meron po ako ginagawang stage play, na sa November po ang pagtatanghal. May mga kasama po ako na kapwa ko nominado, pero hindi ko pa po puwedeng sabihin.”

Ang huling labas ni EJ sa entablado ay bago siya mag-screen acting. Sa pagkakatanda ni EJ ay eight years old pa lang siya noon.

“Kaya medyo pinag-iigihan, pinaghahandaan. Kasi yung mga katabi ko pong artista ay mga batikan din po,” sambit ni EJ.

NOEL FERRER

Naging maganda ang talakayan namin sa LEVEL UP program ko sa Radyo Katipunan, kung saan sinagot nina current Urian President Anne Frances Sangil at immediate past president Gary Devilles ang mga pointed na katanungan.

Best Actress Tie: Anong specific scene o quality ang nagpantay kina Maris Racal at Odette Khan? Youthful deglamorized daring vs veteran restraint?

Best Actor Tie: Carlo Aquino vs Jericho Rosales. Paano ninyo pinagkumpara ang intimate coming-of-age performance vs historical impersonation ni Quezon?

Kung tutuusin, pabor daw sa organizers ang pagkakaroon ng isang winner sa bawat category dahil sa "limited budget."

Hindi biro ang presyo ng trophy.

Inihambing ni Sangil ang proseso sa honor system sa kolehiyo: "Halimbawa, sa isang university, to qualify for a laude...you need to be able to reach a certain point."

Kaya kung nagkaroon ng tie sa awarding dahil pareho ang score ng mga panalo, "sino naman kami para sabihin na, 'Ay, ayaw namin nagtitipid kami, so, yung isa na lang or magto-toss coin na lang kami.'"

Kung ita-try mang i-break ang tie, matagal na deliberasyon daw ang mangyayari, "and nobody wants to give in" at hindi raw basta-basta igi-give up ng mga manunuri ang kanilang "principles."

Marami pang katanungan.

Sa Best Picture: Bakit Bloom Where You Are Planted over Quezon na 10 nominations at historical epic? Ano ang nakita ninyo sa Bloom na wala sa Quezon?

Bakit may separate category pa sa Best Documentary, e, ila-lump together naman pala lahat ng mga pelikula—full-length feature man o docu?

Best Director: Si Noni Abao (Bloom) ang nanalo laban kina Jerrold Tarog (Quezon), Antoinette Jadaone (Sunshine), Kip Oebanda (Bar Boys), Sari Dalena (Cinemartyrs). Ano ang angat sa directing ni Abao?

Best Screenplay: Bakit Republika ng Pipolipinas ni Renei Dimla ang nanalo, na hindi man lang Best Film nominee? Ano ang superiority ng script niya sa Tarog/Vera at Jadaone?

Best Supporting: Will Ashley tinalo sina Iain Glen (Quezon), Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye), Rico Blanco (Manila’s Finest), Enrique Gil. Ano ang justification?

Maganda ang mga sagot nila rito. Mahirap manalo ng Best Performance sa di kagandahang pelikula, lalo na yung wala sa short list ng mga Manunuri.

Best Cinematography at Production Design at Music: Lahat, napunta sa Quezon. Kung best ang technicals ng Quezon, bakit hindi siya Best Film?

Best Sound: Cinemartyrs ang nanalo over bigger productions. Ano ang napakinggan nila roon? Bakit hindi na-break ang TIE?

Puwedeng pakinggan ang mga sagot nila sa LINK na ito.

At magandang practice talaga itong post mortem at analysis after the awards dahil dito nagkakaroon ng magandang conversation sa mga kritiko at award-giving body, sa mga artist-filmmakers, at sa audience.

Ito ang tunay na kapaki-pakinabang na practice ng film education. Kasi, maraming awards na ang pinamimigay, pero ultimo tagabigay at tagatanggap, hindi nila alam kung bakit sila ang nanalo o natalo.

So, ano ang nadagdag na kaalaman doon sa mga manonood, di ba? Sana, maipagpatuloy talaga ang ganitong gawain.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal and Jericho Rosales win top acting honors at Urian Awards 2025
PHOTO/S: Maris Racal on Facebook; Jericho Rosales Official on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results