November 23, 2011, ipinanganak si Adrianna Gabriellie Eigenmann sa St. Luke's Hospital Global City, The Fort, Taguig City.
Tumitimbang na 7.8 pounds, iniluwal ng inang si Andi Eigenmann via caesarian section ang cute na baby na binigyan din agad ng palayaw na Baby Ellie.
Sa darating na November 25, magdaraos ng isang Alice In Wonderland-themed birthday party para sa first birthday ni Baby Ellie sa Blue Leaf, McKinley Hill, Makati City.
Pero bago iyon, heto muna ang ilang mga larawan ni Baby Ellie mula sa pre-birthday photo shoot ng Nice Print Photography & Exige Weddings na ginanap noong September 23.




