Sharon Cuneta on how her husband Senator Kiko Pangilinan consoles her everytime she remembers her feud with her Tita Helen Gamboa: “Niyayakap niya ako 'pag umiiyak ako. Ang lagi niyang sinasabi, ‘Lilipas din ‘yan, Sweetheart.’ Na parang, ‘Well, maybe they still can’t accept me.’ Yun ang sinasabi niya. Ang sakit, 16 years na kaming mag-asawa sa [April] 28.”

Photo: Monching Jaramillo

Nagliwanag ang mukha ng Megastar na si Sharon Cuneta sa press launch ng talk show niya sa TV5 na Sharon, Kasama Mo, Kapatid kahapon, Miyerkules, April 25, nang malaman mula sa veteran showbiz columnist na si Ronald Constatino na walang tampo o sama ng loob sa kanya ang dating movie queen na si Susan Roces.

Sa kalagitnaan ng emosyunal niyang paglalahad ng kanyang saloobin tungkol sa tampuhan nila ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa at ang matagal nilang hindi pag-uusap ni Susan, lumuwag ang pakiramdam ng Megastar nang malaman nitong kaibigan pa rin hanggang ngayon ang turing sa kanya ng misis ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.

(CLICK HERE to read related story.)

Nabanggit kasi ni Sharon ang pagkakaroon ng epekto sa kanilang pagkakaibigan ni Ms. Susan nang hindi ikinampanya ng Megastar si FPJ nang tumakbo itong presidente noong 2004.

Sa pagkakatanda ni Sharon, sinabi ni Ms. Susan sa isang interview niya noon na hindi raw sila close. 

Mula raw noon ay hindi na sila nag-usap at wala ring pagkakataong mag-krus ang landas nila.

Ipinalagay na lang ni Sharon na may tampo nga sa kanya ang movie queen.

Pero nitong Miyerkules nga, sa presscon ng kanyang talk show, nalaman ni Sharon na itinuturing pa rin pala siyang kaibigan ni Ms. Susan.

“Super! Super! Talagang pupuntahan ko siya,” bulalas ni Sharon nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nabunutan ba siya ng tinik sa positibong balita tungkol sa kanila ni Ms. Susan.

“Sana mai-guest ko siya [sa show].

“Mahal ko siya, e. Kaya nga pati siya, ang tawag niya sa akin…

"Alam mo, nung namatay si Tito Ron [FPJ], nasa morgue ako kasama si Ate Susan Tagle, tinawagan niya siya [Susan], 'Nandito po si Sharon.’

"Ang unang nasabi niya sa akin pagkuha ko ng phone, sabi ko, ‘Mama..’

"Sabi niya, ‘Shawie, wala na ang Klatput [tawag ni FPJ kay Sharon] mo.’

“Yung very ano kami, we were like family.