features

Part 2. Robin Padilla on BB Gandanghari's sex-change plan: "Trip niya yun, masaya siya dun. E, di bahala siya."

by Kathleen Benavidez posted on February 26, 2013  STATS: 4603 Views | 7 Comments

Robin Padilla on his brother, BB Gandanghari's plan to undergo a sex change operation: "Ano lang yan, kaniya-kaniya tayong prinsipyo sa buhay. Trip niya yun, masaya siya dun. E di bahala siya. Kami, masaya kami dito. Kanya-kaniyang trip yan. Pero syempre, kapag may nangyari sa kapatid mo, ikaw ang unang pupunta dun. Wala nang basagan ng trip ngayon. Naku, ang tatanda na natin, magbabasagan pa ba tayo ng trip?"

Photo By: Rommel Llanes

Sa ngayon ay maganda ang itinatakbo ng career ni Robin Padilla na may kabi-kabilang projects tulad nga ng kaniyang weekly show na Toda Max at ang nalalapit na teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw.

Sa puntong ito na kanyang career, paano nga ba dinadala ni Binoe ang tagumpay?

Sagot niya, “Ako lagi ko lang naman, sa tagumpay na ibinibigay sa ‘kin ng Panginoong Diyos, importante hindi lang ikaw ang nakakaranas nun, kundi sa mga taong nakapaligid sa ‘yo, kailangan nararamdaman rin nila yung tagumpay na nararamdaman mo.

“Kung ano yung biyayang dumating sa ‘yo, nabibiyayaan din yung mga taong nasa paligid mo.”

Marami man siyang fans ay hindi maiiwasan na mayroon ding mga kritiko si Binoe.

Ngunit aniya, “Yung mga taong nagagalit naman sa ‘kin, e, marami akong natututunan sa mga yun, e.

“Sa totoo lang, binabasa ko yung mga banat nila sa ‘kin. At mula dun, may napupulot ako. Kung ano yung mga hindi ko pa nagawa, yun ang mga pinag-aaralan ko.

“Kasi meron din naman silang punto. Hindi naman lahat ng masama ang sinasabi wala lang magawa.

“Marami dun may sense din yung sinasabi at kailangang pakinggan. At tayo naman ay demokrasayang bansa, lahat ay may boses.”

RELATIONSHIP WITH BB. Samantala, hindi maiwasang tanungin si Robin tungkol sa kapatid niyang si Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari.

Hindi itinanggi ni Robin na nami-miss niya ang kapatid ngunit ayon sa kanya ay si “Rustom” ang kanyang nami-miss at hindi ang bago nitong katauhan na si BB.

Ano nga bang nararamdaman niya sa binabalak ng kapatid na magpa-sex-change?

Sagot ni Robin, “Desisyon niya lahat yan. Desisyon niya lahat yan. Wala namang kumikontra sa kanya sa pamilya.

“Ano lang yan, kanya-kanya tayong prinsipyo sa buhay. Trip niya yun, masaya siya dun. E, di bahala siya.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • mandown

    05/19/2013 | 12:08 AM
    Kong ako kay rustom pki ko kay robin patsupa di. Aman yan dti daw sa mga bicky..sa skul c binoe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kritikongpinoy

    01/12/2013 | 03:02 PM
    ano ba ang naging malaking kontribusyon na naibigay ni robin padilla sa showbiz industry at bakit ganon na lang ang binibigay na importansiya sa kanya ng showbiz press? katulad ba siya ni FPJ o Joseph Estrada na alam ng lahat kung gaano kalaki ang impluwensiya at kontribusyon nila sa Philippine showbiz industry kaya marapat lang yung respeto at importansiya na ibigay sa kanila. pero with robin padilla na umaasta na superior sa mas nakakatanda niyang mga kapatid at kung akala mo kung sinong gods' gift to women, wala akong matandaang nabasa na worthy contribution niya sa movie industry maliban sa pagiging kontrobersyal. just asking.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • benj_aquino59

    01/12/2013 | 02:02 PM
    NAMAN talaga. Itong si Rustom feelilng girl kadiri masyado tignan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hkmutya

    01/12/2013 | 01:07 PM
    Si Rustom kasi kung kelan tumanda saka oa nakaisip ng ganyan.Dapat nung teenager pa sya lumantad para mas na enjoy na ang kabaklaan nya.Sagwa ng trip nya ngayong going 50 na sya.Susme
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nothing_personal

    01/12/2013 | 12:10 PM
    I love u robin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fecatada

    01/12/2013 | 11:14 AM
    Like ko si robin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Mirain

    01/12/2013 | 09:56 AM
    kahit anong mangyari ate mo pa rin siya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About