Kamakailan, inilunsad ng Summit Books ang compilation ng mga famous quotes ni Papa Jack sa isang libro na pinamagatang Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack. Mabibili ito sa mga book stores @Php143.

Photo: Mike Caliwara

Kilala si Papa Jack na takbuhan ng mga may problema sa pag-ibig, kaya tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang maipapayo sa ilang artista.  

Ang “Papa ng Bayan” ay DJ ng mga programang TLC (True Love Confessions) at Wild Confessions sa Love Radio 90.7.

At ang marital problem nina Cesar Montano at Sunshine Cruz ang naging unang topic nang makausap namin siya sa press launch ng kanyang book na Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack noong February 17.         

“I think, the first thing that they should do is not to listen to any advice,” ang natatawang sabi ni Papa Jack.

“Not even to me, not even to people that talk…

“Lalo na kapag nasa showbiz ka, sometimes, you give chance to people na pakialaman ang relationship.”

Aniya, ke popular o ordinaryong tao ang involved, mas mabuting ayusin ang mga bagay-bagay nang hindi nandadamay ng ibang tao.

Sabi ng DJ, “Keep doors closed lalo na kung mag-asawa kayo at kahit na nasa showbiz kayo, keep doors closed.”        

Ang sumunod na topic ay tungkol sa Ina, Kapatid, Anak stars na sina Kim Chiu at Maja Salvador, na sinasabing girlfriend ngayon ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.         

Aniya, “Well, ako kasi, ang paniniwala ko, kapag nag-give up ka ng tao…

“Whatever it is na gawin niya sa buhay niya, that’s the part that you’re giving up when you give up someone.

“So, kung ginive-up na ni Kim ang relasyon nila ni Gerald, hindi na niya business yun.”

May paraan daw para mas maging positibo ang sitwasyon.

“You’d rather watch your best buddy take care of your best guy, if you’re an optimistic person.

“Kasi ang dating, at least, kilala mo ang capacity ng tao.”