Naging mainit na usapin recently ang post ng isang babae na naghihimutok sa natanggap na PHP299 engagement ring mula sa nobyo.
Maraming netizens, kasama ang celebrities, ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa isyu.
Read:
- HOT TOPIC: Dalaga, may himutok tungkol sa PHP299 engagement ring mula sa nobyo
- Celebrities weigh in on viral engagement ring worth PHP299
Dahil anonymous ang babae, hindi matiyak kung real-life story ang post.
Pero isang babae mula sa Cebu ang may katulad na karanasan: nakatanggap din siya ng PHP299 engagement ring sa boyfriend noong nag-propose ito!
Ang pagkakaiba nga lang nito sa viral post, maligaya ang Cebuana sa proposal ng nobyo kahit na mura ang engagement ring.
And, yes, natuloy ang kanilang kasal two months after the proposal.
Meet Hannah Villar, 26, isang teacher mula Cebu.
Ang masuwerteng lalaki ay si Dann Villar, 27, isang barista from Cebu.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hannah via messaging ngayong Lunes, January 15, 2023.
Ibinahagi ni Hannah ang nakakatuwang kuwento ng proposal at ang testimonya niyang mas mahalaga ang kahihinatnan ng pagsasama kesa sa halaga ng singsing.
THE ENGAGEMENT AND THE ENGAGEMENT RING
Proud si Hannah sa pagsasabing, sa walong taong relasyon nila noon ni Dann, never silang nag-break.
Matagal na raw gustong magpakasal ni Dann, subalit may kanya-kanya pa silang priorities ni Hannah.
“Marami pa kaming priorities na uunahin. He supports his family financially,” kuwento ni Hannah sa PEP.ph.
“At sinabi ko na rin sa kanya long time ago that I still want to pass the LET exam for licensed teachers. That’s one of my goals for my parents.”
Nang makapasa si Hannah sa board exam, nag-propose sa kanya si Dann noong August 2023. Eight years na sila noon.
Sa isang coffee shop, kakuntsaba ang mga kaibigang humawak ng mga letrang, “Will you marry me,” lumuhod si Dann sa harapan ni Hannah, at isinuot sa daliri ang isang Mikana gold ring worth PHP299.


Ang tanging isyu lang ni Hannah noon ay medyo maluwag ang singsing sa kanya.
Pero labis-labis ang kanyang kasiyahan sa proposal.
Inusisa ng PEP.ph si Hannah kung nakaramdam ba siya ng pagkadismaya sa singsing.
Sagot niya, “It never occurred to me that I would be disappointed to receive PHP299 engagement ring.
“I don't really consider the cost of the item that I receive.
“I just felt overjoyed when he proposed because, after spending so much time together, we will finally get married, have a family, and finally be [on] our own.”
Mas nangibabaw raw kay Hannah na nag-effort si Dann sa pagpo-propose.
Nagpakasal sila noong October 21, 2023.
Ani Hannah ukol sa asawa, “Sa kasal po, expenses niya po lahat. Nagpagawa po siya ng maliit lang namin na bahay, at tinutulangan ko po siya sa mga gastusin sa materyales po nito.”
Hindi lang iyon, pinalitan din ni Dann ang engagement ring ni Hannah nang “mas mahal.”
Ani Hannah, “That’s his temporary engagement ring nung day ng proposal po. Medyo maluwang, kaya we decided to get one engagement ring nung bumili kami ng wedding rings sa UniSilver po.
“Our wedding rings, including the replaced engagement ring, cost PHP1,099 lang po.
“Minatch din kasi namin yung engagement ring sa wedding ring na silver po.
“Yung Mikana PHP299 po, gold po kasi and the size na pinakamaliit sa kanila is maluwang po siya sa daliri ko.
“But I kept the PHP299 [ring] po kasi may sentimental value na siya sa akin," ani Hannah.

IT’S NOT THE PRICE OF THE RING
Klinaro ni Hannah na hindi niya intensiyong i-judge ang sinumang babae na nagnanais makatanggap ng mahal na engagement ring.
Sabi niya, “The significance of the ring's price can vary based on individual values, societal influences, and personal preferences.”
Naniniwala rin siyang mahalaga na kausapin ang partner pagdating sa “preferences at expectations.”
Dagdag niya, “Ultimately, the most important thing is the love and commitment shared between partners, rather than the monetary value of the ring.”
Isang parte lamang ng bawat relasyon ang proposal.
Katuwiran niya, “Because even if my husband gave me a 299-peso engagement ring, that doesn't mean that he can't raise a family of his own, and we will suffer in our married life.”
Mayroon pa raw mas importanteng bagay na kailangan i-prioritize.
“The important thing is that you know your partner in life and that they will not deceive you and make you miserable.
“I am happily married to someone who has dreams and standards and is doing his best to pursue those dreams.
“Even if he is not rich, he has dreams and ambitions.”
Order slip ng PHP299 ring na binili ni Dann for Hannah
Pagtatapos ni Hannah, “The true value lies in the love and commitment shared between partners, regardless of the price of the ring.
“It's the thought and sentiment behind the gesture that truly matters.”
Sa interview ng GMA Integrated News, nagpaliwanag din si Hannah kung bakit hindi prayoridad sa kanya ang halaga ng singsing.
Sabi niya, “The reality is you don’t need to go broke in finding the perfect ring.
“Don’t feel pressured into spending more than you are willing to give.”
Sabi naman ni Dann, “Ang importante ang mahal mo ang pakasalan mo, tapos aalagaan nang mabuti, at higit sa lahat, mahalin.”
