PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jak Roberto rides on 'anti-selos class' memes; Barbie Forteza reacts

Nakapag-enroll na ba ang lahat?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 10, 2023
Jak Roberto rides on the 'Anti-selos class'
Jak Roberto's (leftmost) "face-to-face anti-selos class" video is making waves online. Among those who reacted to his witty video is his girlfriend Barbie Forteza (right).
PHOTO/S: Yasmien Kurdi Facebook/Barbie Forteza Instagram

Aliw na aliw ang netizens sa good vibes na hatid ng Kapuso hunk actor na si Jak Roberto, matapos nitong sakyan ang nagte-trending niya ngayong memes na "anti-selos class."

Sa social media ni Jak, in-upload niya ang video kung saan nag-ala professor siya sa pagbibigay ng payo sa love problems na idinudulog sa kanya ng mga umano'y estudyanteng nag-enroll sa kursong BS (Bachelor of Science) in "Anti-Selos Class" sa unibersidad na pinagkatuwaang ipinangalan din sa kanya.

Ang JRU o "Jak Roberto University."

Jak Roberto rides on the Anti-selos class

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga "estudyante" sa kanyang face-to-face Anti-Selos class ay ang Kapuso stars na sina Cai Cortez, Kristoffer Martin, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Sofia Pablo, Allen Ansay, at kapatid Jak na si Sanya Lopez.

Jak Roberto rides on the Anti-selos class

Mapapanood din sa video na matapos magbigay ng payo ni Jak sa problemang idinulog sa kanya ay sasayaw siya nang sexy sa saliw ng kantang "My All" ng award-wining American singer-songwriter na si Mariah Carey.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinaaliwan ito ng netizens kaya't agad-agad ding nag-viral.

Maging ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza ay hindi nagpahuli na magbigay ng komento sa kuwelang video ng nobyo.

Komento ni Barbie, "Tapos nagrereklamo ka na pagod na pagod kang sumayaw e choice mo naman pala [laugh in tears emoji].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot naman sa kanya ni Jak, "Napilitan lang, dami palang students Madam."

Nagsimula ang "Anti-Selos class" memes ni Jak dahil din sa netizens na nakakapansin sa pagiging unbothered daw ng Kapuso actor sa ka-love team ngayon ng kasintahan niyang si Barbie na si David Licauco.

Read: David Licauco on possible romance with Barbie Forteza: "What if?"

Kinahumalingan ng netizens ang tambalan nina Barbie at David o mas kilala na ngayon bilang BarDa, nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang top-rating primetime series ng GMA-7.

Read: Most-talked about moments in Maria Clara at Ibarra

Simula nito, nagsunud-sunod na ang mga proyekto nila na magkasama, kabilang na rito ang upcoming TV adaptation ng 1991 movie na Maging Sino Ka Man.

Read: Barbie Forteza reacts to interviews of Jak Roberto, David Licauco, Joshua Garcia

JAK, THE UNBOTHERED BOYFRIEND

Pinaninawalaang ang "anti-selos" meme kay Jak ay nag-ugat sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Gala 2023 noong July 22, kung saan ipinagtapat niyang kailanman ay hindi siya nakaramdam ng selos kay David.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya raw kasi siya sa kung anong mayroon ngayon si Barbie at sinusuportahan niya ito.

"Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang," saad ni Jak sa PEP.ph.

Read: Jak Roberto on Barbie Forteza's love team David Licauco: "Walang selos, go lang!"

Wala rin daw kaso sa kanya na iba ang ka-love team ni Barbie dahil parte iyon ng kanilang trabaho bilang celebrities.

Read: Barbie Forteza-Jak Roberto breakup rumor, fake news

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto's (leftmost) "face-to-face anti-selos class" video is making waves online. Among those who reacted to his witty video is his girlfriend Barbie Forteza (right).
PHOTO/S: Yasmien Kurdi Facebook/Barbie Forteza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results