Opisyal nang inanunsiyo ng TV host-comedian na si Vice Ganda at award-winning writer-director na si Jun Robles Lana ang pagsasanib-puwersa nila para sa pelikulang may pamagat na And The Breadwinner Is...
Naganap ang pagsasapubliko nina Vice at Direk Jun tungkol sa gagawin nilang pelikula sa Kapamilya noontime show na It's Showtime ngayong Biyernes, April 19, 2024.
Kaabang-abang daw ang pelikula dahil ito lang kauna-unahang kolaborasyon ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, at ng The IdeaFirst Company, na pagmamay-ari mismo ni Direk Jun at director-producer na si Perci Intalan.

VICE GANDA FIRST PROJECT WITH DIREK JUN LANA
Ayon kay Vice, karangalan para sa kanyang makasama ang direktor na hinahangaan niya noon pa man.
Sabi niya, "Ang suwerte-suwerte ko po dahil magkakaroon ako ng pelikula na kasama si Direk Juna Lana, na ako ididirek ako ni Direk Jun Lana at sila ang magsusulat ng pelikula ko. Kaya ang suwerte ko po."
Pagmamalaki naman ni Direk Jun, bukod sa una nilang pagsasama ni Vice, kaabang-abang din daw ang espesyal na kuwento ng And The Breadwinner Is...
Saad ng award-winning director, "Unang-una, bukod sa pagsasama ng style namin, which I think it resulted to something really special, yung kuwento nito is napakapersonal and napakaimportante kay Vice, and it’s equally important to me.
"Sa palagay ko, maraming manonood ang makaka-relate dito. At ang lahat ng inaasahan nila sa isang pelikula ni Vice, yung saya to ride the comedy, hindi lang namin basta ibibigay kundi hihigitan pa namin."
Kailan naman kaya ito mapapanood?
Nakangiting sagot ni Direk Jun, "Malapit na malapit na."
Read: Jun Lana named Best Director in Madrid film fest for Barber's Tales
Dagdag naman ni Vice, "Oh, basta this year mapapanood niyo itong pelikula namin.
"Pinapangako namin na hindi matatapos ang taon na hindi namin kayo mapapatawa ni Direk Jun Lana."
Read: Vice Ganda-Jun Lana collab movie, isasali kaya sa MMFF 2024?
Maliban kay Vice, kumpirmado ring kasama sa cast ang It's Showtime co-host niyang si Jhong Hilario.
Ani Jhong, "Sobra akong excited actually ang tagal ko nang walang ginagawang pelikula.
"Yung teleserye naman, parang noong Ang Probinsyano pa yung huli.
"Na-miss ko yung acting kaya thank you na sinama ako."
Si Jun ang direktor ng mga pelikulang: Barber 's Tales (2013), Die Beautiful (2016), Ang Dalawang Mrs. Reyes (2018), Kalel, 15 (2019), Unforgettable (2019), About Us Not About Us (2022), at Becky & Badette (2023), at Your Mother’s Son (2024).
