PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lea Salonga makes history with Hollywood Walk of Fame star

Lea Salonga on getting her star on Hollywood Walk of Fame: "I’m not done yet."
by Erwin Santiago
Published 8 hours ago
lea salonga hollywood walk of fame
Lea Salonga officially receives her star on the Hollywood Walk of Fame, making her the first Filipina to receive the prestigious honor. In her acceptance speech, Lea brought her trademark humor to the historic moment, joking about how she had walked on many Hollywood stars along the boulevard, and now people can walk on hers. But perhaps her most powerful message came at the end: “What an extraordinary journey this has been. And the best part is, I’m not done yet.”
PHOTO/S: Walk of Fame YouTube

Isa na namang makasaysayang milestone ang naitala sa kahanga-hangang career ni Lea Salonga.

Opisyal nang natanggap ng Tony Award-winning Filipino singer-actress ang kanyang star sa Hollywood Walk of Fame nitong Biyernes, Setyembre 4, 2026 (U.S. time), sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, California.

Si Lea ang kauna-unahang Filipina na nagkaroon ng Hollywood Walk of Fame star.

Ang bituin ni Lea ang ika-2,855 star sa Hollywood Walk of Fame. Kabilang siya sa Live Performance category.

Idinaos ang seremonya sa harap ng Pantages Theatre, kung saan nagsilbing emcee ang Emmy Award-winning journalist na si Sibley Scoles.

Hindi lamang Filipino community ang nagdiwang sa milestone na ito.

Dumalo rin at nagbigay-pugay kay Lea ang ilan sa mga malalaking pangalan sa international entertainment industry—sina Ming-Na Wen, Brandy, Darren Criss, at H.E.R.

Read: Lea Salonga, bibigyan ng bituin sa Hollywood Walk of Fame

LEA SALONGA ON HER HOLLYWOOD STAR

Hindi nawala ang trademark humor ni Lea kahit napakalaki ng okasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang acceptance speech, binalikan niya ang mga panahong naglalakad siya sa Hollywood Boulevard at nakikita ang mga pangalan ng iba't ibang Hollywood stars sa sidewalk.

Biro niya, maraming beses na niyang natapakan ang stars ng mga sikat na personalidad.

Ngayon, siya naman ang may star na maaaring tapakan ng mga dumadaan.

“I have walked down this street many times. I’ve stepped on a lot of famous people.

"And now, people get to step on me which feels strangely appropriate for a show business. I love a full-circle moment,” saad ng Filipina singer-actress.

At talagang naging full-circle moment para kay Lea ang pagkakaroon ng sariling pangalan sa Hollywood Walk of Fame.

Mula sa batang performer sa Pilipinas, nakarating siya sa West End at Broadway, kung saan lalo siyang nakilala bilang kauna-unahang Kim sa musical na Miss Saigon.

Ang pagganap niya bilang Kim ang nagbigay sa kanya ng Tony Award for Best Actress in a Musical noong 1991, sa edad na 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya kauna-unahang Asian performer na nagwagi sa kategoryang iyon.

Bukod sa Miss Saigon, nakilala rin si Lea bilang singing voice nina Princess Jasmine sa Aladdin at Fa Mulan sa Mulan at Mulan II.

Dahil sa kanyang kontribusyon sa Disney, ginawaran din siya bilang Disney Legend.

LEA SALONGA: "I'M NOT DONE YET."

Sa kanyang speech, hindi nakalimutang banggitin ni Lea ang mga taong naging bahagi ng kanyang mahaba at matagumpay na career.

Kabilang dito ang kanyang ina na si Ligaya Salonga, na minsan ding nagsilbing manager niya; at ang kanyang kapatid na si Gerard Salonga, na naging kasama niya sa pagkanta noong mga unang taon niya sa entertainment industry.

Nagpasalamat din si Lea sa mga taong nagbigay sa kanya ng pagkakataon, nagbukas ng mga pinto, at naniwala sa kanyang kakayahan.

Sa likod ng kanyang international achievements, malinaw sa mensahe ni Lea na hindi niya narating ang puntong ito nang mag-isa.

Bagamat isa na sa pinakamalaking career milestones ni Lea ang pagkakaroon ng Hollywood Walk of Fame star, hindi raw niya ito itinuturing na pagtatapos ng kanyang journey.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa halip, isang bagong chapter lamang daw ito.

“What an extraordinary journey this has been. And the best part is, I’m not done yet,” sambit niya.

Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book

MING-NA WEN, BRANDY, DARREN CRISS PAY TRIBUTE TO LEA

Isa sa pinakaespesyal na bahagi ng seremonya ay ang tribute ni Ming-Na Wen kay Lea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May matagal nang koneksiyon si Ming-Na kay Lea dahil pareho silang naging bahagi ng Disney animated movie na Mulan (1998).

Si Ming-Na ang nagbigay ng speaking voice ni Mulan, habang si Lea naman ang kumanta para sa karakter sa animated film. Kabilang sa mga awiting ito ang sikat na "Reflection."

Sa kanyang tribute, inalala ni Ming-Na kung paano naging inspirasyon sa kanya ang career ni Lea at ang naging epekto ng tagumpay nito bilang Asian performer sa international entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa mga nagbigay ng tribute si Brandy, na kilala rin sa kanyang iconic roles bilang singer at actress.

Binigyang-diin ni Brandy ang kahalagahan ng achievement ni Lea hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa mga kabataang Filipino at iba pang Asian artists na nangangarap magkaroon ng international career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay rin ng tribute ang Filipino-American Tony Award winner na si Darren Criss.

Ibinahagi niya ang kanyang personal na karanasan kay Lea at kung paano niya naranasan ang pagiging supportive at encouraging ng beteranang performer noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.

Bahagi ng kanyang pahayag: "I am bragging when I say that I have had the distinct pleasure of spending a few late nights out with her at piano bars in New York City, belting out 'Les Mis' and, yes, of course, 'A Whole New World.'"

Para kay Darren, isa sa mga natatanging katangian ni Lea ang pagiging bukas-palad nito sa pagbibigay ng suporta sa mga bagong henerasyon ng performers.

“Lea, you have always been and will always be unmatched force to be reckoned with," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien

LEA SALONGA'S 45-YEAR JOURNEY

Mahigit 45 taon na sa entertainment industry si Lea.

Sa panahong iyon, nakapag-perform siya para sa anim na Philippine presidents, apat na American presidents; pati na kina Princess Diana at Queen Elizabeth II.

Naging bahagi rin siya ng iba't ibang Broadway productions at international concert tours, habang patuloy na gumagawa ng mga proyekto sa pelikula, television, animation, at theater.

Sa 2026 Hollywood Walk of Fame class, kabilang si Lea sa Live Theatre/Live Performance honorees.

Hindi rin dito nagtatapos ang mga karangalang matatanggap niya.

Sa Linggo, Setyembre 6, 2026, pararangalan din si Lea ng Icon Award sa third annual Manila International Film Festival Closing Night Awards Gala sa The Beverly Hilton.

Samantala, patuloy pa rin ang kanyang international projects.

Kabilang dito ang upcoming DreamWorks Animation film na Forgotten Island, kung saan gumaganap siya bilang isang lead villain.

Read: Martin Nievera learns to let go after US$3,000 airline incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga officially receives her star on the Hollywood Walk of Fame, making her the first Filipina to receive the prestigious honor. In her acceptance speech, Lea brought her trademark humor to the historic moment, joking about how she had walked on many Hollywood stars along the boulevard, and now people can walk on hers. But perhaps her most powerful message came at the end: “What an extraordinary journey this has been. And the best part is, I’m not done yet.”
PHOTO/S: Walk of Fame YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results