“My body’s shape is not fit for that [kind] of movies!”
Ito ang natawa at lalong naningkit ang mga mata na sagot ng Korean actor na si Yoo Min-gon nang tanungin tungkol sa posibilidad na paggawa niya ng mga mapangahas na pelikula para sa Vivamax.
Si Yoo Min-gon ang 34-year-old leading man ni Bela Padilla sa Yung Libro Sa Napanood Ko, isa sa mga official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8, 2023.
Si Bela ang lead actress, sumulat ng kuwento, direktor ng pelikula, at discoverer ni Yoo Min-gon kaya tumatanaw ang Korean actor ng malaking utang na loob sa Filipino actress-director.
Kuwento ni Yoo Min-gon, “We have a mutual friend, a Korean actress. Bela was looking for a Korean lead actor.
"She asked my friend and my friend introduced me to Bela. That’s why we got together.
“I am very grateful to Bela. She trusted me fully and she helped me to really be comfortable on the set. We bonded really really great."
Papuri pa niya kay Bela, “As a director, she’s really perfect. It was more like playing than working. She’s very friendly.
Mananatili si Yoo Min-gon sa Pilipinas hanggang sa April 13 dahil dadalo sila ni Bela sa Parade of Stars na magaganap sa April 1 at sa Gabi ng Parangal ng 1st Summer MMFF na idaraos sa April 11.
Desidido si Yoo Min-gon na bumalik at mamalagi sa bansa kung sakaling mabibigyan siya ng bagong proyekto ng Viva Films.
Ang Enchanted Kingdom at Ayala Museum ang ilan sa mga unang pinuntahan ni Yoo Min-gon.
Kahapon, March 28, sinamahan siya ni Bela sa pag-iikot sa Maynila at isang kakaibang karanasan sa kanya ang pamamasyal sa Intramuros, pagkain ng mga streetfood, at pagsakay sa kalesa.

“The Filipinos are very nice. Super nice.I like the food. I was able to try sisig, kare-kare, kwek-kwek, pansit palabok,” tuwang-tuwang kuwento ni Yoo Min-gon, na masaya dahil kilala na sa buong mundo ang South Korea.
Mahusay si Yoo Min-gon sa pagsasalita ng English language dahil maliit na bata pa siya nang mag-migrate ang pamilya niya sa Canada.
Lumaki si Yoo Min-gon sa Canada noong panahong hindi pa sikat ang mga K-drama at K-pop.
Sa tuwing tinatanong tungkol sa bansang kanyang pinanggalingan, walang alam ang mga nakakausap niya tungkol sa South Korea kaya maligaya siya sa popularidad na tinatamasa ngayon ng mga Korean sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas.